Explore

Thursday, March 10, 2011

"Crushy-Crushy Kuya!" Part 4: ang BALITA

Habang naglalaro sina Kate sa bahay nina Carl.. Biglang bumagsak ang ulan.. 
Ayaw pang umuwi ni Kate sa kanila kasi nag-eenjoy pa siya sa laro nila ni Carl at ng iba pa niyang mga kalaro. Ang lahat ng kaibigan ni Carl ay umuwi na except lang kay Kate. 

"Kate!!!! Uwi na ! May dala akong payong para hindi ka mabasa!" tinawag at sinusundo na si Kate ng kanyang mama.
"Maya na ako uwi. Dito muna ako kina Carl kasi mag-laro pa kami." Kate
"dali na!. bukas na lang kayo mag-laro ni Carl."
"mamaya na.."
Hinila ng mama ni Kate ang kamay niya at kinarga pauwi...

Habang papasok na ng bahay sina Kate nakita niya si Gino na nabasa ng ulan.. Hindi makapasok si Gino sa kanila. Parang na-lock ang gate nila at hindi niya dala ang susi.. Kahit naka ilang doorbell na siya wala pa ring nagbubukas ng gate sa kanya. 
Tinawag siya ni Kate..

"KUYA GINO!!!!" lumingon si Gino kay Kate at tumakbo sa bahay nina Kate..

"Kate, pwede mo bang tawagin ang mama mo?
tumakbo si Kate sa kanyang mama at tinawag ito.
"Oh Gino. Pasok.. ba't ang basa-basa mo?"
"Kasi po naglalaro kami ng barkada ko ng basketball tapos bigla na lang bumuhos ang ulan. Kanina pa rin kasi ako doorbell ng doorbell walang nagbubukas sa akin."
"Umalis lahat ng kasama mo sa bahay. Akala ko alam mo. Maligo ka muna dito sa amin tapos pahihiramin kita ng damit ng papa ni Kate. Baka kasi magkasakit ka pa niyan."

Pagkatapos maligo ni Gino...

"Kuya Gino, baka gusto mong hiramin ang short ko?"
napatawa na lang si Gino kay Kate..
"wag na. Pinahiram na kasi ako ng papa mo eh."
"Eh damit? papahiramin kita..""Meron na rin"

Medyo nalungkot si Kate. (haaaay.. napakamatampuhin naman ng batang toh! xDDD)

"Kate, hali ka nga dito" tinawag ni Gino si Kate.. at pumunta naman si Kate.. Umupo si Kate sa tabi ni Gino..
"Patingin nga ng bukol mo." humiga si Kate sa legs ni Gino..
"kuya Gino, hindi na siya masakit. Salamat sa kiss mo ha." Kate.
"ako pa!. superhero kaya ako!" Gino
"talaga?! sige nga.."
"Hindi gagana ang powers ko ngayon kasi umuulan."
"bukas.. ipakita mo yung powers mo bukas.. "
"o sige ba.." *lagot! paano ko naman gagawin yun?!* sa isip lang ni Gino.


tapos ng magluto ang mama ni Kate...

"oh! kain na kayo.. Gino, kain na.. "
Pumunta ang dalawa sa mesa at kumain...
Nung umupo na si Gino.. Biglang nag-ring ang telephone nina Kate.. 
Agad namang sinagot ng mama ni Kate.. 

Conversation:(mama ni Kate at ninang ni Kate)
M: hello?
N: mare! ok na yung visa niyong tatlo(mama at papa ni kate at si Kate)
M: mabuti naman kung ganun. Kailan ang alis namin dito? 
N: Next week ata.. Kailangan niyo ng ayusin mga gamit niyo jan pati na rin yung sa school ni Kate. 
M: o sige. aayusin namin yan. Salamat ah.. sige bye.

tapos ng mag-usap ang dalawa. ...

"Kate, may goodnews ako.." napatingin si Gino sa mama ni Kate. Gusto niya rin kasing malaman yung goodnews na yun eh.
"ano yun ma?" 
"pupunta na tayo sa America next week."
"yehey!!. makakalaro na ako sa snow." 
"oo.. you lead the prayer Kate. Para makakain na tayo"
 

Pagkatapos nilang kumain.....
Ang mama ni Kate ang naghugas ng mga plato.. habang ang dalawa naman ay nanood ng tv sa sala.

"Ang tagal naman nila.. "
"Kuya Gino, sama ka sa amin ha.. "
"saan?"
"sa America. dapat nandoon ka para hindi ako ma-sad"
"pero hindi pwede.."
"bakit?"
"kasi ....kasi... May school pa ako dito."
"doon ka na lang rin mag-school.. doon ako mag-school .. Sige na kuya Gino!!.. Sama ka na!"
"Hindi nga pwede.. ganito na lang.. bibisitahin na lang kita doon sa America. Diba nga may super powers ako?"
"ay tama!. hahahaha.. sige kuya Gino. Punta ka rin doon ha"

pagkatapos ng ilang oras........
 Hindi pa rin dumadating ang mga kasama sa bahay ni Gino kaya doon muna siya nag-stay sa bahay nina Kate. He's always welcome naman eh.

Nanood na lang ng tv si Gino. Pagtingin niya sa kabilang couch.. Nakita niya si Kate nakatulog na. Napagod ata..

Minamasdan niya si Kate habang natutulog at may sinasabi sa kanyang isip.
*grabeh! paano kaya kung mawala itong batang to? mami-miss ko siya sobra! Siya kasi ang nagbibigay Good VIBES sa akin eh kapag na BV ako. Siya rin ang laging nangungulit sa akin. At kapag nasa America na siya.. Wala ng batang may Crush sa akin. hahaha.. loko-loko talaga ako noh?! Pero hindi ko talaga alam kung anong mangyayari sa akin kapag umalis na itong makulit at bibong bata sa amin. May halong lungkot ang naramdaman ko nung nalaman ko yung balita. haaay nako Gino.. aminin mo na kasi na may CRUSH ka rin sa bata.. UI! WAG NAMAN! CHILD ABUSE YUN!*

Kinausap bigla ng mama ni Kate si Gino..
"Gino, kapag umalis na kami dito . Siguradong malulungkot si Kate kasi hindi ka na nya makikita." biro ng mama ni Kate.
"Meron naman pong YM ngayon. Pwede naman kaming mag-usap doon"
"oo nga noh. Pero iba pa rin yung feeling .. Crush na crush ka kasi ng anak ko kaya ganun. hahaha"
"hehehe.. ok lang po. Bata lang naman eh. :) "

Di nagtagal eh naka-uwi na rin si Gino sa kanila.. Dumating na rin kasi ang ate niya na galing sa mall. 



SI Carl at Si Gino :)

 kunwari daw.. ito daw si Carl.. yung kaibigan ni Kate.. 
Ito na daw si Carl na malaki ang pinagbago simula nung bata pa sila.. 
Medyo pumuti na si Carl sa paglaki niya ah.. ayos!! xDD






Lee Gi Kwang of B2st/Beast :) 



AT!!. ito naman ang ating KUYA!!.. hahaha.. :)) 
ito na siya ngayon.. hahahaha :)) 




Dong Woon of B2st/ Beast :) 



Oh ano?!.. diba ang gwapo?! hahahaha.. xDDD 





Siya si KATE :)

Try to imagine .... Ito daw si Kate sa story ng Crushy-crushy Kuya.. hahaha 

"Crushy-Crushy Kuya!" part 3: Ang BOLA

 Walang klase ang araw na 'to kaya naman makakapaglaro si Kate sa mga kaibigan niya. 
Hindi ko nabanggit sa inyo na may malapit na basketball court sa lugar nina Kate, Carl at Gino. Doon madalas naglalaro sina Gino at ang iba pa niyang barkada. 
Maraming mga buhangin at semento sa gilid ng basketball court may itatayo kasi silang stage. 


Naglalaro sina Kate ,Carl at iba pa nilang kaibigan sa mga buhangin...
"Carl, hanapin mo paa ko." Kate
"tinabunan mo lang naman ng buhangin ang paa mo eh. Ako rin." Carl
"gaya-gaya. hahahahaha" tumawa si Kate at parang nag-eenjoy sa paglaro doon sa buhangin.. (IGNO?! LOL. )


Sina Gino naman ay busy sa paglalaro ng basketball... 
Nung ipapasa ni Gino yung bola sa ka-team niya .. Hindi ito na catch ng kanyang team mate hanggang sa na -out.. 


Biglang umiyak si Kate.... 


"tahan na Kate. Saan ka ba banda natamaan ng bola?" tanong ni Gino
tinuro ni Kate ang kanyang ulo at hindi pa rin siya tumigil sa kakaiyak..
"ikaw kasi eh,, Hindi mo kinuha agad yung bola." sinabihan ni Gino yung kalaro niya.
"oo, ako na, ako na ang may kasalanan.. uy bata! tama na ang iyak ah. " 


Hindi pa rin matigil sa pag-iyak si Kate.
"Kate, tama na ang iyak. Uwi na tayo sa amin, doon na lang tayo maglaro" Carl
"buti pa nga Carl, doon na lang kayo mag-laro. Baka ikaw naman sunod ang matamaan ng bola" sabi nung kaibigan ni Gino


"Masakit pa ba Kate?" tanong ni Gino habang hinahawakan ang ulo ni Kate.
"Hala. Bukol nga oh. siguradong masakit yan." kaibigan ni Gino
"tama na Kate, baka pagalitan pa kami ng mama mo dito. :) uyyy.. tatawa na yan. sige! para mawala na yang sakit. iki-kiss ko na lang yang bukol mo para mawala agad"


ki-niss ni Gino yung bukol ni Kate.. Tumahan na sa pag-iyak si Kate.. 
"Kate, tara sa bahay na lang namin tayo mag-laro!" sabi ni Carl
"kuya Gino, kapag gumaling agad itong bukol ko. Ililibre kita ng ice candy :)
"O sige ba! may powers kaya yang kiss ko. O punta na kayo sa bahay nina Carl, doon na lang kyao mag-laro."


Tumakbo na yung mga bata papunta sa bahay nina Carl.


"Grabe Gino, may CRAS talaga sayo yung bata na yun. Kahit ano na ginawa natin para tumigil sa pag-iyak tapos yung KISS mo lang pala sa bukol niya ang makakatapos ng iyak niya"
"sus! bata lang naman yun! at saka Crush lang naman eh."


Bumalik na sa pag-lalaro ng basketball sina Gino..







"Crushy-Crushy Kuya" Part 2: SULAT

 Isang hapon.....


     Nasa labas ng bahay nina Carl ang dalawang magkaibigan ( Kate at Carl). Kumakain ng ice candy. 
"Carl, hindi ko mabukas ang ice candy ko." Kate
"Kagatin mo kasi yung plastic" sagot ni Carl
"hindi talaga mabukas"


Habang namo-mroblema si Kate . Nakita na naman niya si Gino(kuya?!) na kagagaling lang ng school.
Nung papasok na si Gino sa kanilang gate.. Agad nilapitan siyang nilapitan ni Kate.


"Kuya Gino. Pabukas naman ng ice candy ko." 
Kumuha ng gunting si Gino sa kanyang bag at ginupit yung plastic.
"yehey! salamat kuya Gino!"


Nginitian niya lang si Kate at pumasok na. Mukang Bad Vibes si Gino. Bakit kaya? hmmmm..
Umupo ulit si Kate sa tabi ni Carl at kinain ang kanyang ice candy.


Napansin ni Kate na simula pagkauwi ni Gino ay malungkot na ito. Hindi rin lumabas ng bahay si Gino. 


Gabi...


Katatapos lang kumain ni Kate at lumabas siya para tingnan ang mga kaibigan niya. Hindi pa rin nagpapakita si Gino sa kanya. 


"Kate! pasok na. Gagawin pa natin yung assignment mo." tinawag na si kate ng kanyang mama.
at pumasok na si Kate.


..... Ilang oras ang nakaraan...
"tapos na tayo sa assignment mo. Sige na matulog ka na." inayos ng mama ni Kate ang mga gamit at lumabas na ng kwarto ni Kate. 


Si Kate naman.. kumuha siya ng papel sa kanyang bag at lapis.
Gumawa siya ng sulat para kay Gino...


Natapos na si Kate sa pag-gawa ng sulat.Tinago ito ni Kate at natulog na. 


Kinabukasan.... 


Lumabas na ng bahay sina Kate at ang kanyang mama. Papunta na kasi sila ng school. Bago umalis nag-doorbell muna si Kate sa gate nina Gino.
Timing na si Gino ang bumukas na may laman pang pagkain ang kanyang bunganga.


"Kuya Gino, basahin mo yan ha."
Binuklat ni Gino
"Kuya Gino! mamaya mo na basahin pag mag-alis na kami ha! mamaya na. Mamaya na kapag nag-alis na kami ni Mama."


Tumakbo si Kate sa kanilang bahay. Habang si Gino naman ay napatawa na lang sa ginawa ni Kate.
Pumasok na si Gino sa bahay nila at pinagpatuloy ang pagkain. 
Pagkatapos uminom ng tubig ni Gino narinig niya yung sigaw ni Kate sa labas.


"KUYA GINO!!!!!!! Basahin mo na! KASI AALIS NA KAMI. Ba BYE!!!Wag ka na pong MALUNGKOT!"


Kinuha ni Gino ang sulat at binasa. 




Napatawa na naman si Gino..
"ang cute talaga ng bata na yun! Akala niya siguro nagalit ako sa kanya kahapon. Masakit lang naman kasi ang ulo ko eh kaya hindi ko siya nakausap." Gino



Crushy-Crushy Kuya :) PART 1: Bahay-bahayan

Hey ! i'm Back! Here's another story for you! :) 


Characters:

  • Kate-- a 7 year old girl. Maputi, cute, has a red lips, ang cute kumanta, ang cute din ng mata(parang DOLL). FYI, may crush siya sa kapitbahay nila na kuya-kuyahan niya lang. :)
  • Gino-- a 13 year old boy. Gwapo, maputi, cute kung ngumiti, mahilig maglaro, mapagkaibigan, malambing. Kapitbahay at madalas na kalaro ni Kate.
  • Carl-- a 7 year old boy. Kalaro ni Kate kapag wala ang crush niya. Classmate rin siya ni Kate since Kindergarten. Moreno, cute, mahilig rin kumanta, at ang cute ng dimple. :)


Story.....

        Isang grade 1 pupil si Kate kaya maaga siyang nakakauwi. Wala masyadong batang babae sa lugar nina Kate kaya naman halos mga lalaki ang kalaro niya. Wala siyang pinipili, basta ang alam niya masaya siya. Akala nga ng mga magulang ni Kate ay tuluyan ng magiging 'tomboy' si Kate kasi naiimpluwensyahan na siya sa  mga ginagawa ng mga lalaki. 
        Buti na lang at nanjan si Carl sa tabi niya. Si Carl ang childhood friend ni Kate. Lagi silang pinagsasama kasi close ang mga parents nila and para na rin silang Bestfriend. 


Isang araw....

      Naglalaro sina Kate at Carl sa labas ng bahay nila. Eh, wala pang gate sina Kate that time kaya nakikita ni Kate kung sino ang mga dumadaan sa kalsada. (By the way, magkaharap lang ang bahay nina Kate at Gino. Habang ang bahay naman ni Carl ay katabi ng bahay nina Gino). 

    Naglalaro ng bahay-bahayan sina Carl at Kate. Habang nag-aayos ng mga laruan may naalala si Carl.
"Kate, may kunin muna ako sa bahay namin. May bagong laruan na binigay sa akin si mama. Sandali lang ah" tumakbo si Carl sa bahay nila at kinuha yung laruan na tinutukoy niya.

Habang si Kate naman ay nakita niya si Gino na kakauwi lang galing school. Tumakbo rin siya at kinausap si Gino.

"Kuya Gino, gusto mong sumali sa laro namin? Maglalaro kasi kami ni Carl ng bahay-bahayan at luto-lutuan."
"ah. Sandali lang magbibihis muna ako Kate ha. Manunuod na lang siguro ako sa laro niyong dalawa"
"o sige" binigyan ni Kate ng napakalaking SMILE si Gino. Natawa na lang si Gino at pumasok na sa kanilang bahay.

 Pinagpatuloy na nina Kate at Carl ang paglalaro.
"Carl, ako daw ang magluluto. Tapos ikaw naman ang maglilinis ng bahay natin ha."
"o sige. Paano yung pagkain natin? Wala tayong totoong pagkain."
"ay tama! mamalengke muna ako . Sandali lang"

Pumunta sa kabilang bahay si Kate at kumuha ng mga dahon. (Yun daw kunwari ang palengke)
Habang kumukuha ng dahon si Kate...May nakita siyang magandang bulaklak sa taas kaso hindi niya maabot. Tumalon-talon si Kate pero hindi niya pa rin ito abot.

"Kate! hala ka! susumbungin kita sa may-ari niyan." napatingin si Kate sa nagsasalita. Si Gino lang pala.
"Humihingi lang naman ako ng dahon ah. Kuya Gino, pwede mo bang kunin yung bulaklak sa taas. Hindi ko kasi maabot."
"o sige, kukunin ko yung basta promise mo muna na hindi ka na ulit kukuha ng mga dahon dito."
"opo. Kunin mo lang yung flower."
Pinitas ni Gino yung bulaklak na gusto ni Kate at binigay sa kanya.

"thank you kuya Gino. Hali ka!. sali ka sa laro namin."
Hinila ni Kate ang kamay ni Gino at pumunta sila sa bahay-bahayan.

"Nandito na ako. tapos na akong mamalengke Carl. At may bisita pa tayo. "
"kasali si kuya Gino?" tanong ni Carl.
"oo, kasali siya. may naisip ako.!"
"ano yun?"
"kuya Gino, pwede bang ikaw ang papa at ako ang mama?"
"pa'no naman ako?" tanong ni Carl na may halong lungkot.
"ikaw ang anak namin ni kuya Gino"

Napatawa na lang si Gino dahil sa mga pinag-usapan ng dalawa.
"ang bata-bata niyo pa may ganyan na kayong nalalaman. hay nako."
"may sinabi ka ba kuya Gino?
"aaeehh.. wala akong sinabi Kate ah. Sige na mama! magluto ka na. Matutulog na lang muna ako dito. Gisingin mo ako kapag luto na ang pagkain ah. Sinamahan pa naman kitang mamalengke kanina. AT! dapat masarap yan! :)"

At nagsimula ng mag-luto kunwari si Kate. Si Carl naman parang nawalan ng ganang mag-laro kaya umupo na lang siya sa isang sulok ng bahay-bahayan. Si Gino naman.. ayun! at nakahiga. Nagpapahinga, napilitan lang kasi siyang sumali kasi hinila siya kanina ni Kate.

hmmm.. bakit kaya nawalan ng gana si carl sa paglalaro? Dahil kaya sa hindi siya ang papa? at ang role lang niya sa laro ay anak? .. O baka nagseselos?? uyyyyyyyyyy.. may crush siya kay Kate!!.. ikaw Carl ah!! ayeee.. bata ka pa.. XDD

Wednesday, March 9, 2011

Posas Part 2

Ako naman si Grace. sa halos ilang buwan na naming naging kaibigan ni Chris , parang nahuhulog na ako sa kanya pero may isang hadlang. Kami pa rin kasi ng boyfriend ko and mahal na mahal ko pa siya. Paminsa napaisip ako kung sino sa dalawa ang pipiliin ko. Pero mas pinili ng puso ko si Chris. Sayang naman kasi ang LIMANG taong pinagsamahan namin ng boyfriend ko. Haaaaay.. EWANN!! xD




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Back to Kathrine's life...


 Tingan mo pareho silang inlove na inlove sa isa't isa. Kaya sa tingin ko, wala na akong pag-asa. Hindi nga sila "in a relationship" but they are in the "Mutual Understanding" stage.


Bago mag-uwian binigyan kami isa-isa ng letter galing Principal namin at sa Director. Magkakaroon daw kami ng Field Trip sa isang BUKID?! :) Sana mag-enjoy kami sa frield trip.




Field trip... woooh!!


Ang saya-saya ko dahil si Chris ang kapartner ko sa aming Field trip. Dapat kasing laging magkasama ang mag partner kapag may mga activities. Ito na ata ang pinaka-memorable na day para sa akin!!.. 




Nung unang game is treasure hunt. Kailangan hanapin ng mag-partner ung mga puzzle piece. Ang masaya na part sa game is yung naka posas yung mag-partner at dapat naka holding hands. Ayun tuloy! Ginanahan akong lumaro.


Hinanap namin ni Chris yung mga puzzle piece. Ang saya talaga!!! Sana lagi na lang ganito ang sitwasyion namin para lagi naman akong masaya kahit masakit sa kamay yung posas na nilagay nila aming kamay.


GOSH!!.. at nakabangga pa namin sila Grace at ang kanyang partner. Muntik na tuloy kaming mag-kiss ni Chris!! ano ba yan!! Walang ganyanan please :) Hindi ko na kasi kaya ang kilig na nararamdaman ko ngayon.




"2 puzzle piece na lang ang kulang natin bago makumpleto ang puzzle natin." sabi ni Chris
"oo nga. Sana manalo man lang tayo." 
"tama! Kailangan natin manalo sa game na ito.. hahahahahahahahaha" Chris
"Ba't ang saya-saya mo naman? Sobra ka naman atang tumawa"
"kasi kapag nanalo na tayo. Sasagutin na ako ng nililigawan ko"
"weh?? di nga?? AY! Sana matalo na lang tayo. " biro ko sa kanya
"Wag naman! :) Please tulungan mo naman ako. Gusto ko lang talaga marinig ang matamis niyang OO" nagmamakaawa si Chris sa akin..
"OKAAAAAAAAAY!.. deal!! "
"Thank you!!!" nagulat ako sa ginawa ni Chris sa akin.


Bigla niya lang kasi akong niyakap. Na-feel ko tuloy ang tibok ng puso niya. Narinig ko na sinisigaw niya ang pangalang "GRACE".


Maya-maya nahanap na namin ang isang puzzle piece..
"Isa na lang talaga!!" sabi ni Chris




May nakita akong lumipad na papel. Baka yun na yung last piece ng puzzle. Agad kaming tumakbo ni Chris. Hindi ko namalayan na marami pala kami ang naghahabol sa papel na iyon.
Nagkabungguan kaming lahat....




"waaaaaah! tulong!! ayoko pang mamatay" Sigaw ko
Nahulog kaming dalawa ni Grace sa isang napakalaki at napakalalim na bangin. Pagharap ko sa taas nakita ko si Chris.. Namo-mroblema  dahil hindi niya kayang iligtas si Grace dahil nakaposas ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay nakahawak sa mga schoolmates namin para hindi kami mahulog.


Nakuha ko na yung last puzzle piece. Binigay ko ito kay Chris.
"Chris, tanggapin mo ito. Sana magin masaya ka pagkatapos ng larong ito. Sorry kung nadamay pa kita sa paghihirap ko ngayon. Sorry din kasi hindi mo mailigtas ni Grace dahil nakaposas tayong dalawa."


"'Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Wala na sa akin kung manalo man tayo o matalo. Basta ang importante ay masagip kayong dalawa jan."


"Chris! hindi ko na talaga kaya!. Parang mamamatay na ata ako. Ang lalim ng babagsakan namin" sabi ni Grace.


"Maililigtas kayong dalawa!! ano ba! wag nga kayong magsalita ng ganyan! " sigaw ni Chris.
"Chris! hawakan mo ang kamay ni Grace"
"Paano ko siya hahawakan? eh, kapag binitiwan ko itong isa ay siguradong mahuhulog tayong dalawa"
"Chris! akin na panyo mo!" kinuha ko yung panyo ni Chris sa kanyan ulo. Pinahawak ko kay Chris ang  isang side ng panyo at ang isa naman ay pinahawak ko kay Grace.


Kinantahan ko na lang silang dalawa.. 
Title: Kismet by silent sanctuary
lines na kinanta ni Kathrine:
 "didn't mean to take u for granted.. didn't mean to show I don't care.. Didn't mean to throw away this once in a lifetime of a chance BEING WITH YOU..... This time I surrender My everything FOREVER life doesn't matter Just our souls together..."
listen the full song:
http://www.mp3-codes.com/play/1656019/Silent_Sanctuary-Kismet


Biglang may gumuho na bato at parang mahuhulog na kaming dalawa ni Grace.Habang nahuhulog ang bato sa bangin .. Kumuha ako ng isang bato at pinukpok ko ang posas namin ni Chris. 


Sumigaw bigla si Grace ....................... at nahawakan ng Dalawang kamay ni Chris ang kamay ni Grace at nailigtas niya si Grace.


Narrator:
 Sumigaw naman ang lahat nung nakita nilang duguan na si Kathrine sa baba. Hindi makapaniwala si Chris sa nangyari. Medyo napaiyak si Chris dahil naintindihan niya ang dahilan kung bakit yun nagawa ni Kathrine. Naalala ni Chris na nasabi niya kay Kathrine tungkol sa deal nila. Mas ginusto pa ni Kathrine na mawala siya kaysa kay Grace alang-alang sa pinakamamahal niyang lalaki.


Dahil sa lubos na pagmamahal ni Kathrine nagawa niyang i-sacrifice ang life niya para lamang sa taong gusto niya. Siguro masaya si Kathrine kasi may nagawa siyang mabuti sa kanyang pinakamamahal. 




Hindi lahat ng storya ay nagwawakas ng maganda. :) 

POSAS part 1

May isang lalaking inlove na inlove kay babae. Sa kabilang dako,may isang babae naman na may gusto kay lalake.


Ako si Kathrine. Madalas kong pinapatawa ang mga kaklase ko at ang mga kaibigan ko. Mahilig ako sa musika lalo na sa pagkanta. Mahilig rin akon tumugtog ng gitara. Hindi naman ako boyish , mahilig lang talaga akong mag-gitara. In fact, inlove na nga ako sa isang Senior student eh. During prom akala ko sia na ang magiging partner ko pero hindi pala. Iba ang naging ka-partner niya. 


Haaaay.. Buti at lunch break na namin. Kanina pa kasi akong ginugutom eh. Excited na rin akong makita si crush. AYEEE... Masaya ang lunch break ko kapag nakikita ko siya sa canteen . Mas lalo rin akong nabubusog kapag nakita ko siya. Masaya rin ako kapag nakikita ko siyang ngumiti at lumalabas ang dimple niya sa kanyang pisngi.


Pagkatapos naming kumain..


May naramdaman akong selos dahil sa aking nakita. Magkahawak ang kanilang kamay at napakatamis ng kanilang pinag-uusapan. Kulang na lang at silang dalawa ay langgamin.


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Ako naman si Chris.Maraming nagsasabi na isa ako sa mga Campus hearthrob pero medyo ..... naniniwala na rin ako. xD Sorry! Medyo makapal ang muhka ko ngayon. gusto ko lang i-share na in-love na ako sa isang babae. Hindi ko talaga kayang iwan siya kahit hindi naman official na kami na.


Grabe talaga ang tama ko sa kanya. Halos hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi lumapit sa kanya for one day. Iba talaga si LOVE noh?! Grabe kung makatama ng puso sa dalawang tao.


Si Grace.. siya ang babaeng gustong-gusto ko. Masaya ako at naging kaibigan ko siya pero hindi ko naman sinisisi ang pagkakaibigan namin kung bakit ako na-inlove sa kanya. Gusto ko siyang ligawa pero hindi pa pwede . Sila pa rin kasi ng kanyang boyfriend. Maghihintay naman ako sa tamang oras na mamahalin niya rin ako ng lubusan.

Tuesday, March 8, 2011

How to be FAMOUS

Lots of people nowadays wants to become famous. So here's the tip from me.. Hope everyone could understand this.. 

Step 1: Post Some videos on YouTube
            --Well, ang dami na kayang tao ngayon ang todo post ng videos sa YouTube. Dapat ipakita mo yung talent mo. Wala ng hiya-hiya effect. Kung gusto mo talaga sumikat then GO! make a move! :) 

Step 2: Join some Contest
            -- Isa yan sa mga sinasabi sa akin ng family ko. Kaso dati pa yun eh, ngayon may mga contests nga kaso hindi pa pwede ang age ko. Paminsa ang reason din is malayo  ang location ko.Like, nasa Manila then nakatira ako dito sa Mindanao. haaayy.. Advantage sa mga taga-Luzon.

Step 3: Have friends in Facebook and other Networking sites
          --Before ka talaga sisikat, kailangan mo munang makipag-kaibigan sa ibang tao. Makipagclose ka kahit hindi naman kayo masyadong close. Gain more Friends. Of course, hindi lang dapat sa mga networking sites marami ang kaibigan. Dapat sa personal marami ka ring kaibigan. Be goo. Baguhin mo na ang lahat ng mga negative attitudes mo .

Step 4: Maging admin sa isang fanpage 
          --Isa rin ito kasi kapag admin ka sa isang fanpage rerespetuhin ka ng ibang followers/members. Ikaw ang leader . Kailangan mong makipag-friends sa mga members kasi admin ka eh. Mataas ang position mo. Sikat ka na kasi ang daming makikipag-usap sayo sa fanpage.Mangungumusta, maghi-hi ! at mag sha-share.

Step 5: Be cool! 
         -- Dapat cool ka palagi. :) Para maganda ang first impression ng tao sa'yo. Makisama dapat sa panahon. 'Wag mong ipa-Out of Place ang sarili mo .